Pusang Itim... Malas nga ba?
Tila may isang pusa na kulay itim, na sa paningin ng iba ay alaga ito ng isang magkukulam. Ayon din sa ibang matatandang paniniwala, malas daw ang ganitong kulay ng pusa. Minsan kapag ako'y walang pasok sa trabaho, kadalasa'y, nakikita ko ito na gumagala sa aming bakuran. Mataba, at maitim ang kanyang balahibo hindi ito pangkaraniwang pusang gala, tila mayroong nag-aalaga nito, at kaya pala'y pagala-gala..... kaya pala, siya ang salarin kaya't lagi na lang nauubusan ng pagkain ang alaga kong pusa, at kadalasa'y inaaway niya pa ito.
Hindi na'ko naniniwala kung totoong malas talaga ang mga itim na pusa, pero sa gingawa niya sa alaga ko, mukhang nagsisilbi siyang malas sa alaga ko....



0 Comments:
Post a Comment
<< Home