Mamang Barya
Haaayyyyyyyyy...... malapit ng mag-three o'clock 4 minutes na lang, log-out time na naman, uwian na. Four minutes na lang uwian na, pero may mali, nakita ko pangalan ko sa list na mag- o-overtime ng dalawang oras. Excited na akong umuwi, pero hindi ako makakauwi ng maaga dahil hanggang 5pm pa ako sa office.
Sobrang dami ng calls, mabilis ang takbo ng oras. Hindi ko namamalayan, malapit lapit na rin akong mag-out. At sa wakas, alas singko na, dali-dali na akong naglog-out sa biometrics at sumakay kaagad ng elevator pababa. Linggo nga pala ngayon, kaya dire-diretso ang elevator.
Palabas na ako ng building ng Citibank, mahangin at tahimik ang kalsada, naglalakad na ako papuntang bus terminal. Nilalakad ko ang kahabaan ng AyalaAve., nagmumuni-muni habang ang malamig na hangin ay humahaplos sa aking pisngi. Nasa harap na ako ng Phil. Stock Exchange, nang biglang may isang mamang papalapit sa akin, na nakasuot ng t-shirt at shorts, at nagtanong "miss may barya ka, pamasahe ko lang... " sa sobrang takot ko dali-dali kong sinabi na, "pasensiya na po wala akong barya..." Dahil sa kaduda-dudang hitsura (mukhang holduper) , at ako lang ang mag-isa ang naglalakad, oo ako lang walang kasama. Dahil nauna ng umuwi ang mga kasama ko. At sa sobrang takot ko, dali-dali akong tumakbo, ng makita ako ng isang security guard na nakatayo sa may fountain area ng Stock Exchange, at nagtanong "miss anong ginawa sa'yo ng taong iyon?", "ah! wala naman po, nagtatanong kung mayroon akong barya... " At sa ibayong pag-iingat , hindi na ako ulit mag-lalakad nang mag-isa. whew...!!!